Uguis Integrated School lone representative in tilt


Robinsons Ilocos Norte – Isang makasaysayang araw ito sa lahat ng mga sumaling mag-aaral ng Uguis Integrated School sa katatapos lamang na patimpalak sa Sabayang Pagbigkas at Paggawa ng Poster Slogan.

Tanging ang Uguis Integrated School lamang ang eskwelahang kumatawan sa Distrito ng Nueva Era na nagpakita ng kanilang talento’t angking kagalingan.

“Isa itong magandang simula para sa ating lahat, lalong-lalo na ang ating mga estudyante, dahil gusto natin na mahubog pang lalo ang kanilang kakayahan at talento. Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang na patuloy na sumusuporta. Ang lahat ng mga magagandang simulain katulad nito ay para sa atin at sa minamahal nating Uguis” – G. Jhony C. Azada, Punong Guro I.

Sa kabilang dako, luluwas muli ang kinatawan ng UIS bukas upang lumahok sa paligsahan ng Katutubong Sayaw.

Paggawa ng Poster Slogan: Asmina P. Caris, Ika-6 na Baitang

Pagbigkas ng Tula: Mga Piling Mag-aaral na mula sa JHS at SHS department ng UIS

Tagapagsanay: G. Rex Mahor, Bb. Angelie Panabang Tugaoen, Gng. Marianne Lucas Bringas Colobong, G. Benjie Pascua at G. Gibrylle Brin Bautista Cacayorin

Ulong Guro: Gng. Fedelina Nicolas

Punong Guro: G. Jhony Casigay Azada